Palaisipan sa mga netizen ang makahulugang IG story ni Kapamilya star Angelica Panganiban kung saan tila nagtatampo siya sa mga kaibigan at kakilalang bumibisita sa kanilang bahay, para daw kumustahin ang kanilang baby ng partner na si Gregg Homan na si Baby Amila Sabine.

Ibinahagi ni Angge sa kaniyang IG story ang isang 49-second video tungkol sa "Visitors after birth is a crazy thing."

Sa text caption ni Angelica, mababasa ang tila hinanakit sa "fersons" na hindi naman niya tinukoy kung sino.

"Hmmm... until now hindi pa (rin) ako madalas kamustahin ng mga fersons. All they want is to see my baby. But not really 'visiting' me. Not a single text on how's my hip injury? If I still have (postpartum) blues. But nasasanay naman na 'ko."

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

"Pero walang gulatan kung lumalayo loob ko ha?" anang aktres.

Photo courtesy: Angelica Panganiban's IG via Fashion Pulis

Sey ng mga netizen, mukhang "postpartum" nga ang nararanasan daw ngayon ni Angge.

"Postpartum 'yang nararamdaman n'ya mismo actually."

"People are showing love to your child. That should be reason enough to appreciate them. They are also not mind readers; tell your friends what you need and how they can support you. Clearly they are invested in you."

"This is a valid sentiment, sadly (sad face). Went through this as well with my first child. I felt so isolated and lonely. Buti sa second child hindi gaano. Hugs mommies who are going through PPD!"

"Most of the time wanting to see the baby is wanting to see you too… pero I think postpartum talaga si Angelica… sensitive s'ya."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag si Angelica tungkol dito.