Inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Miyerkules, Hulyo 26, na 64 sa 112 examinees ang nakapasa sa July 2023 Landscape Architect Licensure Examination.
Sa inilabas na resulta ng PRC, kinilala si Albertene Manabat Aloc mula sa University of the Philippines-Diliman bilang mga topnotcher matapos siyang makakuha ng 80.57% score.
Samantala, hinirang na top performing school ang University of the Philippines-Diliman matapos umano itong makakuha ng 100% overall passing rating.
Isinagawa umano ang naturang pagsusulit muna Hulyo 19 hanggang 20 sa mga testing center sa National Capital Region (NCR) at Cebu City.