Sa kabila ng paglabas ng bagyong Egay (may international name na Doksuri) sa Philippine area of responsibility (PAR), nakataas pa rin sa Signal No. 1 ang apat na lugar sa Northern Luzon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes ng hapon, Hulyo 27.

Sa tala ng PAGASA kaninang 5:00 ng hapon, nananatili sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lalawigan:

  • Batanes
  • National

    'Pekeng' doktor na tumuli sa namatay na 10-anyos, dati na raw nabilanggo

  • Hilagang bahagi ng Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela)
  • Ilocos Norte
  • Hilagang-kanluran ng Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros) kabilang na ang Babuyan Islands

Huli umanong namataan ang bagyo 280 kilometro ang layo sa west-northwest ng Itbayat, Batanes, na may maximum sustained winds na 150 kilometers per hour malapit sa sentro ng bagyo at pagbugsong aabot sa 185 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-west northwestward palayo sa PAR sa bilis na 10 kilometers per hour.

Nagbabala ang PAGASA na maaaring magpatuloy ang malakas na pag-ulan sa Batanes, Babuyan Islands, at hilagang bahagi ng Ilocos Norte sa susunod na 24 oras bunsod ng typhoon Egay.

Maaari naman umanong magdulot ang Southwest Monsoon o habagat, na pinalakas ng bagyo, ng paminsan-minsang pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Northern Luzon at Central Luzon, gayundin sa Southern Luzon, sa susunod na tatlong araw.

Samantala, nito lamang ding Huwebes ng umaga ay iniulat ng PAGASA na ganap nang bagyo ang binabantayan nitong low pressure area (LPA) na namataan sa silangan ng Eastern Visayas sa labas ng PAR.

MAKI-BALITA: Binabantayang LPA ganap nang bagyo, posibleng pumasok ng PAR sa Hulyo 29 o 30