Pumalag si Miss Universe Philippines 2014 at TV host MJ Lastimosa sa mga netizen na halos murahin na siya dahil sa pinakawalan niyang tweet patungkol sa pelikulang "Barbie."

Ayon kay MJ, tila "waley" raw ang nabanggit na pelikula at nasayang ang kaniyang ibinayad sa movie ticket.

"Sobrang waley ng Barbie movie sayang 600 ko haha," mababasa sa kaniyang tweet na ngayon ay burado na.

Tila marami naman sa mga netizen ang pumalag sa sinabi ni MJ, na nagpa-trending sa pangalan niya ngayong Martes, Hulyo 25, 2023.

Pag-okray ni MJ Lastimosa sa 'Barbie' umani ng reaksiyon

"MJ, wasting money on a Barbie movie? Girl, that's more regrettable than your answer in the Q&A portion."

"Uhm, wasting ₱600 on a Barbie movie? Sounds like a personal problem, MJ. Maybe next time invest in some adult entertainment."

"When MJ Lastimosa said na waley yung Barbie, parang it’s a reflection of how shallow her understanding lang eh, she only saw the comedy part of it (which to be fair may not be for everybody) but not the underlying theme of the movie lmao."

"I don’t know about MJ’s preferences, but the Barbie movie was perfectly executed, tackling the world typically ruled by men and challenging the unequal idea behind the toy. It’s fine if you don’t appreciate this, not everyone can, just like MJ."

Sa kabilang banda, may mga nagtanggol din naman sa TV host-beauty queen. Kaniya-kaniyang preferences lang daw iyan!

"She has preferences. Tong mga taong to porke nagandahan sila ineexpect nila lahat magagandahan na, even called her normie and assumed she doesn't understand the movie. If you're so sure the movie is great then why does a single negative comment affect you so much?"

"Filipinos on social media are always opinionated. You cannot say what you like or don't like cuz if that does not align with theirs, they will say all the mean things to you like bobo, tanga, as if they're any better. Just because they're on a bandwagon, they think they are the better ones."

"It’s okay iba iba talaga tayo ng gusto sa isang movie."

"Well not everyone can have taste! But they can have opinions so let’s just leave her alone."

Bago maipalabas sa Pilipinas ay naging kontrobersyal muna ang nabanggit na pelikula dahil sa usapin ng "nine-dash line."

Sa kaniyang serye ng tweets nitong Hulyo 25, ipinaliwang ni MJ na wala siyang tinatapakang tao kaya sana raw ay huwag siyang murahin.

"Wait lang naman sobrang online bullying naman agad kayo. Nakakatakot naman magka-opinion dito minumura na'ko ng iba sa ibang socmed ko only because I did not like a film? I liked Little Women and Lady Bird naman, why attack me if I say I didn’t find it as good."

https://twitter.com/MJ_Lastimosa/status/1683804909433651200

"It’s just my opinion and it has nothing to do about the movie being feminist, which is the only part that I liked, specially the speech of America Ferre, parang dapat nga wala na si Will Ferrell dun. But it’s just me, you’re entitled to like and dislike a movie. It’s not that deep mare."

https://twitter.com/MJ_Lastimosa/status/1683804915246989312

Tila natatakot na raw si MJ na i-tweet ang kaniyang mga opinyon.

"Wala akong inapakang tao. Natatakot din akong itweet to kasi magagalit na naman kayo kasi dapat in unison ang opinion naten dito or else bobo na agad kami? Sorry na agad mga mare kalma na masyado na kayong galit."

https://twitter.com/MJ_Lastimosa/status/1683804919348994048

"Okay na bahala na kayo jan mag gygym pako at late na! Goodnight," anang MJ.

https://twitter.com/MJ_Lastimosa/status/1683814577073684480