MAJAYJAY, Laguna — Natagpuang patay ang anim na taong gulang na batang babae, na naiulat na dalawang araw nang nawawala, sa tabing-ilog ng Barangay San Roque noong Martes ng hapon, Hulyo 25 sa bayang ito. 

Nabatid ng mga opisyal ng barangay sa Majayjay Police na dakong alas-2 ng hapon nang matagpuan nila ang isang bangkay na tabing-ilog. 

Nakabaon umano sa lupa at natatakpan ng mga puno ng saging ang bahagi ng katawan ng biktima nang matagpuan ito. 

Probinsya

Lalaking umiihi sa gilid, naipit sa pagitan ng 2 container van!

Ayon sa pulisya, naiulat na nawawala ang biktimang si Kate Trixie Mijares noong Hulyo 24.