Kinaaliwan ng netizens ang Facebook post ni John Patrick Manalese matapos bigyang-kahulugan ang dumapong paruparo sa may bahaging dibdib nito.

“Kaninong lolo to hahaha buhay pa yung akin,” mababasang caption sa kaniyang naturang post.

Makikita sa larawang ini-upload ni John Patrick, ang isang paruparong mukhang relax na relax pang nakadapo at tila namamahinga sa dibdib ng netizen.

Sobrang kinaaliwan naman ng netizens ang naging caption ni John Patrick.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“Loko! Hahahahahahahahaha.”

“Pasensya na po, malabo po kasi mata ni lolo.”

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA PUTA!”

 “Baka sa lolo ng lolo ng lolo ng lolo ng lolo mo?????”

“Buhay pa lolo mo? Baka ampon ka lang?”

“HAHAHAHAHA BHIEEE!”

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA Baka lolo ng kapitbahay niyo?”

“Ginawa ba namang lolo yung moth.”

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay John Patrick, nakatambay lang daw sila noon ng kaniyang mga kaibigan nang biglang may dumapong paruparo sa dibdib niya.

“Nakatambay lang po kami sa terrace ng mga kaibigan ko, tapos may dumapo sa akin, nagulat nga po ako eh, tapos po kinuhanan ko po ng litrato,” aniya.

Dahil naman daw sa taglay niyang kalokohan kaya’t naisip niya ang ganoong caption.

“Tapos naisip ko po ‘yong caption na ‘yon, kasi mga kalokohan talaga mabilis pumasok sa utak ko eh,” dagdag pa niya.

Hirit pang kuwento ng uploader, tila naipit pa raw niya ang paruparo matapos niyang yakapin ito.

“Tapos po niyakap ko po “yong butterfly, kaso naipit ko po ata. Hahahahaha!” ani John Patrick.

Sa kabila nito, masaya naman umano si John Patrick dahil maraming natuwang netizens sa kaniyang post.

“Masaya naman kasi nga maraming natuwa sa post ko. Hilig ko po kasi magpatawa maski pag nag-iinom kami ng mga kaibigan ko, tawa lang sila nang tawa,” huling pahayag ni John Patrick.

Hindi naman maitatangging isa sa mga nakagisnang paniniwala at pamahiin ng mga Pilipino na kapag yumao na ang isang tao, babalik ang kaluluwa nito bilang isang paruparo na kadalasang nagpapakita sa mga taong naulila o naiwan niya.

Habang sinusulat ang balitang ito, umabot na sa 77K reacts, 2.1K comments at mayroon namang bilang na 42K shares ang inabot ng kaniyang Facebook post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!