Taimtim na ipinapanalangin ni Abra Bishop Leopoldo Jaucian ang kaligtasan ng mga mamamayan mula sa hagupit at pananalasa ng Bagyong Egay sa hilagang bahagi ng Luzon.

Hiling ni Bp. Jaucian na sa kabila ng malalakas na pag-uulan at hanging dala ng bagyo ay walang maging malaking pinsala na makakaapekto sa buhay ng mga tao.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

"Amang makapangyarihan, hinihiling namin ang inyong proteksyon para sa safety ng bawat isa at sa pamamagitan ng tulong ng mahal na Ina at ng mga Santo na sa pamamagitan ng kanilang mga tulong ay pagkalooban tayo ng protection lalong lalo na sa hagupit ng Bagyong Egay. Hinihiling namin ito sa ngalan ng ating Panginoong Hesukristo," panalangin ni Bishop Jaucian, na mula sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Ayon sa obispo, sa kasalukuyan ay nananatiling walang kuryente at signal sa buong lalawigan dahil na rin sa malalakas na hanging dala ng Bagyong Egay.

Paalala naman ni Bp. Jaucian, sa mamamayan ng Northern Luzon na manatili lamang sa loob ng mga tahanan upang higit na matiyak ang kaligtasan mula sa kalamidad.

"Mga kababayan lalong lalo na dito sa Northern Luzon na binabayo ngayon ng Bagyong Egay, manatili po tayo sa ating mga bahay sapagkat ang lakas-lakas po ng ulan at hangin, at ang karamihan pati dito sa Abra'y wala pang kuryente. So manatili po tayo sa loob ng ating mga bahay. Keep safe mga kapatid at manalangin po tayo," ayon pa sa obispo.