Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Isinailalim na sa state of calamity ang Ilocos Norte dahil na rin sa paghagupit ng bagyong Egay.

Ito ang kinumpirma ni Vice Governor Cecilia Araneta Marcos nitong Miyerkules. Dahil dito, magagamit na ng pamahalaang panlalawigan ang pondo para sa pagkukumpini at rehabilitasyon ng mga nasirang imprastrakstura.

Kaugnay nito, nanawagan si Marcos sa mga residente na manatili na lamang sa mga ligtas na lugar. 

Hinikayat din niya ang mga residente na huwag kalimutang magdasal para sa kaligtasan ng lahat sa gitna ng pagtama ng bagyo.

Nauna nang isinailalim sa Signal No. 4 ang northern portion ng Ilocos Norte na sumasaklaw sa Burgos, Bangui, Dumalneg, Pagudpud, Adams, Pasuquin, Vintar, at Bacarra.

Ilang bayan din sa lalawigan ang naapektuhan ng pagbaha dulot ng walang tigil na pag-ulan.