
Mahigit sa 1,500 na pasahero ang na-stranded sa Pio Duran Port, Albay matapos kanselahin ng Philippine Coast Guard ang biyahe ng mga barko bunsod ng bagyong Egay nitong Miyerkules, Hulyo 26. (PCG/FB)
Higit 1,600 pasahero, stranded sa mga daungan dahil sa Super Typhoon Egay
Nasa 1,675 pasahero, truck driver at cargo helper ang na-standed sa mga daungan sa bansa bunsod ng Super Typhoon Egay.
Sa report Philippine Coast Guard (PCG), ang nasabing bilang ay nananatili pa rin sa mga daungan sa Bicol, Southern Tagalog at National Capital Region (NCR).
Apektado rin ng bagyo ang 83 barko, 93 bangkang de-motor at 308 rolling cargoes.
Ayon pa sa Coast Guard, kinansela nila ang mga biyahe para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero sa gitna ng pananalasa ng bagyo.