Matapos ang kaniyang pinag-usapang video ng pag-iyak at paglalabas ng hinanakit sa isang pinangalanang "Sir," muling naglabas ng kaniyang mensahe ang premyadong aktres na si Elizabeth Oropesa, na mababasa sa kaniyang latest Facebook post.

Naka-address ang nabanggit na FB post kay "Sir," na pinaniniwalaan ng mga netizen na si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Si La Oropesa ay isa sa mga artistang nagpahayag ng pagsuporta sa UniTeam noong nagdaang halalan, lalo na kay PBBM. Kilalang loyalista ng Pamilya Marcos ang aktres.

https://balita.net.ph/2023/07/26/elizabeth-oropesa-umiyak-sa-socmed-sir-masama-lang-po-ang-loob-ko/?fbclid=IwAR0nu0OMFUJ9UMEq5pMxqFjU-34dSRPDM_vr7iwYqn74ggUnHJE1hAAXrKQ

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Aniya sa kaniyang FB post, "Dear Sir, kinatay na ang pagkatao ko ng mga kapwa ko loyalist 'kuno' dahil lang sa pagtawag ko ng pansin mo. Magalang po ako. Galing sa puso ang pakiusap at pagtatanong ko. Pero hindi nila nakita yun. Bashing pa rin ang napala ko."

"Hindi ako takot sa kanila. Matapang lang sa Social Media. Mga duwag naman sa personal at walang kwentang tao. Sa tingin ninyo totoo ninyo silang kakampi?"

"Hindi po ako nag-iisa. Ako lang palagi ang nauuna. Katulad ng panahong ipinagtanggol ko ang iyong Ama at pamilya. Saka lang susunod ang iba. Ang loyalty po ng katulad ko ay HINDI NABIBILI."

Sa bandang dulo ng kaniyang post, tila sinabi ni Elizabeth na hindi na siya Marcos loyalist.

"Hayaan n'yo po. Husto na ako. Hindi naman kayo Dios. Hindi nakasalalay sa inyo ang kaluluwa ko."

"Gumagalang pa rin,

"Hindi na Marcos Loyalist,"

"Elizabeth Oropesa."

Elizabeth Oropesa (Photo courtesy: Jacqueline Elizabeth Freeman/FB)

Wala pang tugon, reaksiyon o pahayag ang kampo ni PBBM tungkol dito.