Cagayan, Ilocos Norte nasa Signal No. 4 pa rin sa bagyong Egay--32 pang lugar, apektado
Isinailalim pa rin sa Signal No. 4 ang Cagayan at Ilocos Norte dahil sa patuloy na pananalasa ng bagyong Egay.
Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), apektado ng nasabing babala ng bagyo ang northwestern portion ng Cagayan (Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Santa Praxedes) kabilang ang Babuyan Islands at northern portion ng Ilocos Norte (Burgos, Bangui, Dumalneg, Pagudpud, Adams).
Nakataas naman sa Signal No. 3 ang Batanes, northern at central portions ng Cagayan (Gattaran, Lal-Lo, Alcala, Allacapan, Lasam, Baggao, Amulung, Rizal, Santo Niño, Piat, Santa Ana, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri), nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, Apayao, northern portion ng Abra (Tineg, Lagayan, Lacub, Danglas, San Juan) at northern portion ng Ilocos Sur (Cabugao, Sinait).
Kabilang naman sa Signal No. 2 ang Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Isabela, nalalabing bahagi ng Cagayan, nalalabing bahagi ng Ilocos Sur, Abra, northern at central portions ng La Union (Luna, Caba, Santol, Bauang, City of San Fernando, San Juan, Bagulin, Bangar, San Gabriel, Burgos, Naguilian, Bacnotan, Sudipen, Balaoan, Aringay), at northern at central portions ng Benguet (Mankayan, Kapangan, Atok, Kabayan, Kibungan, La Trinidad, Sablan, Bakun, Buguias, Tublay, Bokod).
Ang mga sumusnod na lugar ay isinailalim na lamang sa Signal No. 1: Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Pangasinan, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, Metro Manila, Cavite, Rizal, Laguna, nalalabing bahagi ng La Union, nalalabing bahagi ng Benguet, at nalalabing bahagi ng northern portion ng Quezon (Infanta, General Nakar, Real, Lucban, Sampaloc, Mauban) kabilang na ang Pollilo Islands.
Huling namataan ang bagyo 70 kilometro kanluran hilaganng kanluran ng Calayan, Cagayan habang kumikilos pa-hilagang kanluran sa bilis na 10 kilometer per hour (kph).
Taglay ng bagyo ang hanging 175 kph malapit sa gitna at bugsong aabot sa 240 kph.
Sa pagtaya ng PAGASA, nasa labas na ng bansa ang bagyo sa Huwebes ng umaga at tatawid sa Taiwan Strait bago mag-landfall sa bisinidad ng Fujian, China.