Mukhang siya pa ang galit sa makikitang reaksiyon na hitsura ng beagle dog breed na si Koda 2 taong gulang, matapos makaramdam na aalis ng bahay ang kaniyang fur parents.

“Osige na, hindi na nga kami aalis. Sayo na yang susi.,” mababasang caption sa naturang post.

Makikita sa Facebook post ng fur-mommy na si Nicole Romero, ang nakakunot na noo at tila nakangisi pang hitusra ng alagang aso nilang si Koda habang sinusuyo ng kaniyang fur-dad.

Kinaaliwan naman ng netizens ang naturang hitsura ni Koda.

Kahayupan (Pets)

Chimpanzee, 7 buwan kinarga naaagnas na labi ng namatay na anak bago binitiwan

“Wala na nagtampo na talaga siya.”

“Nakasimangot ang besshhie ko, cute mo doggie.”

“Mukha niya, grabe magtampo.”

“Ganyan din aso namin pag-aalis kami eh.”

“Isama niyo kasi baby na yan!”

“Galit pa rin po siya, kailangan pa po ata ng suhol. Nasaan daw po ang chicken bago siya maging okay.”

“Hangkyuuuuuuuut!”

“Ay galit pa din eh ang kyuuuuuuut!”

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Nicole, tila nase-sense daw ni Koda na sa tuwing aalis sila ng bahay ay bigla na lang ito magiging clingy at maghahabol sa kanila na parang isang bata.

“Alam niya po, kasi everytime na aalis kami, so kapag nasesense niya na, bigla na lang siyang magiging clingy and maghahabol na parang kid,” aniya.

Para naman malambing nila noon ang kanilang alaga, sinabit na lang daw ng fur-dad niya sa leeg ng beagle ang susi ng motorsiklo at doon din niya rin nasaktuhang nakuhaan ang tila nagtatampong hitsura ni Koda.

“As way na lang din po ng paglalambing ng daddy niya, sinabit na lang din sa kaniya ‘yong keys ng motor and sakto nakuhanan po ng camera ‘yong grumpy face niya,” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, wala naman daw silang ini-expect na kahit ano dahil i-pinost lang nila iyon para sa kasiyahan at nagkataong maraming natuwang netizens sa hitsura ni Koda.

“We did not expect anything since we just posted her picture for entertainment, nagkataon na lang na may mga natuwa sa hitsura niya,” huling pahayag ni Nicole.

Habang sinusulat ang balitang ito, umabot na sa 6.4K reacts, 253 comments at mayroon namang bilang na 560 shares ang inabot ng kaniyang Facebook post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!