Ikinuwento ng isa sa mga miyembro ng all-male group na “Hashtags” sa “It’s Showtime” na si Zeus Collins sa kaniyang interview kay Ogie Diaz, ang panahong halos walang-wala na siya noong pandemya.

Itinanong ni Ogie ang naging dulot sa kaniya ng pandemya.

“Noong nagka-pandemic, nabanggit mo nga na na-zero ka ba noon, nabokya?” tanong ni Ogie.

Buong tapat naman itong sinagot ni Zeus.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

“As in, zero talaga. Noong pandemic ‘di ba akala natin parang ilang buwan lang ‘yong mga lockdown. So ako, ‘yong mga savings ko noon, bigay ako, gastos sa mga kaibigan, pakain. Syempre walang trabaho, so ako, enjoy lang ako nang enjoy,” aniya.

Hanggang dumating na raw ang point na ₱50,000 na lang ang natira sa kaniya.

“Hanggang sa tumatagal, nauubos na ‘yong savings ko, as in. Ang pinaka-last ko ₱50,000. So parang iniisip ko, sobrang bilis lang maubos noon, kasi syempre may pamilya ako na kailangan din suportahan, mga kapatid ko, mama ko, papa ko. So, sabi ko, ilang araw lang ‘to,” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, kasama ang kaniyang fiancee na si Pauline Redondo, isinugal nila sa franchise ng isang ramen food business ang natitirang savings hanggang sa napalago nila ito kasama ang ilan pa nilang kasosyo.

Ibinahagi pa niyang sobrang blessed talaga nila sa kanilang negosyo dahil may sarili na rin silang pangalan ng naturang ramen food business at hindi na nakiki-franchise.

Pinasalamatan naman ni Zeus ang kaniyang mga kaibigan, kasamahan sa Hashtags, nakatrabaho sa showbiz dahil sa binigay na suporta upang lubos na makilala ang kanilang naturang negosyo.