Binati at taos-pusong nagpasalamat si Vice President at Education Secretary Sara Duterte kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. matapos ang matagumpay na State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes, Hulyo 24. 

Sa isang pahayag nito ring Lunes, taos-pusong nagpasalamat si Duterte kay Marcos at sa pamumuno nito sa loob ng isang taong panunungkulan.

<b>Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina</b>

“I am truly grateful for President Ferdinand Marcos and his leadership marked with decisiveness, strength, fortitude, and political will — clearly demonstrated over the past year in office,” ani Duterte.

“It is the kind of leadership that inspires us to be more aggressive in delivering what we have promised to the Filipino people,” dagdag pa niya.

Ang suporta raw ng binigay ni Marcos sa MATATAG Agenda ay malaking tulong sa hindi lamang sa mga mag-aaral kundi maging sa mga teaching at non-teaching staff ng Department of Education (DepEd).

Natuwa rin daw ang bise presidente nang marinig niya ang agenda ng administrasyon ni Marcos para sa pagpapaunlad ng Mindanao. 

“As a Mindanaoan, I am pleased to hear his administration’s development agenda for Mindanao. It offers us hope and a deep sense of optimism that the efforts to stamp out terrorism and the peace-building initiatives of the past administrations are strengthened to bring about meaningful development for the region and its people,” ani Duterte. 

Umaasa rin ang education secretary na mangyayari rin ito sa buong bansa sa pagpapatupad ng socio-economic agenda ng administrasyong Marcos. 

“The same hope and optimism resound across the country with the implementation of his administration’s socio-economic agenda, providing security to vulnerable sectors such as farmers and fisherfolk,” aniya.

“Thank you, Apo BBM, for reminding us of our obligation to our country — an obligation contained in the contract we signed with the Filipino people in the 2022 election.”