Mukhang "tapos raw ang pila" para sa Kapamilya star na si Joshua Garcia!

Usap-usapan kasi ngayon ang pagkakapareho ng Instagram post at stories ni Joshua at Filipina-French athlete na si Emilienne Vigier, na mukhang magkasama sila.

Take note, batay sa larawan ay tila pinagluto pa ng Kapamilya heartthrob si Vigier, dahil ang mga larawan umano nila ay kuha sa isang kusina.

Sa mga larawan ni Vigier, hindi direktang nakaharap si Joshua subalit tila napagtagni-tagni naman ito ng netizens dahil kapareho sa mga ibinahagi ng aktor sa kaniyang IG story.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Photo courtesy: Emilienne Vigier at Joshua Garcia's IG

Mababasa naman sa IG post ni Joshua ang kaniyang "cooking diary."

Sa comment section, sinabi ng mga netizen ang kanilang napansin.

"Parang nakita ko to sa ig story ni…"

"Spotted yung kamay ni emi ❤️"

"2 sila nagluluto pinakita si Josh sa IG ni Emi..."

"Ay wow parang may magkasama sila..."

Wala pang tugon o kumpirmasyon mula sa dalawa tungkol dito.

Kamakailan lamang ay na-link si Joshua kay beauty vlogger Bella Racelis.