Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Surigao del Norte nitong Martes ng umaga, Hulyo 25, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 9:00 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 28 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Santa Monica, Surigao del Norte, na may lalim na 9 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

National

Signal No. 3, itinaas na sa 2 lugar sa Luzon dahil sa bagyong Nika

Intensity II- City of Borongan, Eastern Samar

Intensity I- Quinapondan, Eastern Samar; City of Catbalogan, Samar; Hinunangan, Southern Leyte

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.