Usap-usapan ang tweet ni GMA news reporter Joseph Morong patungkol sa naganap na "GMA Gala 2023" noong Sabado, Hulyo 23, sa Manila Marriott Hotel sa Pasay City.

Ayon sa kaniyang tweet nitong Lunes ng hapon, Hulyo 24, tila "pinasisinungalingan" niya ang mga kumakalat na tsika sa social media na ang mga dumalo ay binibigyan ng "meal o food stub" para kumuha ng pagkain sa nabanggit na gala night.

Ngunit ayon sa "fact" ni Morong, hindi ito meal stub kundi seat numbers.

Ipinakita pa niya ang larawan ng seat number na natanggap niya mula sa mga nagbibigay nito.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

"FACT: What meal stub? That’s for seat numbers for different departments LOL #GMAGala2023 #GmaGalaNight2023," tweet ng GMA news reporter.

Photo courtesy: Joseph Morong's Twitter

Samantala, hindi naman binanggit ng news reporter kung kanino nagmula ang "fake news" na naka-food stub ang bigayan ng meal sa nabanggit na formal event.