Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nais niyang mag-ulat ng mas marami pang mga bagay sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes, Hulyo 24.

“Kulang pa,” sagot ni Marcos nang tanungin kung “satisfied” siya sa kaniyang SONA speech.

“There was so much to go through,” saad pa niya.

Sinabi naman ng Pangulo na hahayaan niya ang mga miyembro ng kaniyang gabinete na magbigay ng iba pang paliwanag hinggil sa mga partikular na detalye ng kaniyang SONA.

Politics

Pagpapaliban sa impeachment ni VP Sara, magandang desisyon —political scientist

Naganap ang SONA ni Marcos sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City, kung saan umabot sa 70 minuto ang kaniyang talumpati hinggil sa mga nagawa at nais pa umanong isakatuparan ng kaniyang administrasyon sa bansa.