Nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bibigyan niya ng amnestiya ang mga rebeldeng susuko sa gobyerno.
Sinabi ito ni Marcos sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes, Hulyo 24.
Ayon sa pangulo, isinama ng pamahalaan ang capacity-building at social protection sa kanilang reintegration programs upang magarantiya umano ang “full decommissioning” ng dating combatants.
“Through community development and livelihood programs, the Barangay Development and Enhanced Comprehensive Local Integration programs have been effective in addressing the root cause of conflict in the countryside,” ani Marcos.
“To complete this reintegration process, I will issue a Proclamation granting amnesty to rebel returnees, and I ask Congress to support me in this endeavor,” saad pa niya.
Sa ilalim ng Artikulo VII, Seksyon 23 ng 1987 Konstitusyon, may kapangyarihan ang Pangulo na magbigay ng amnestiya sa pagsang-ayon ng mayorya ng lahat ng Kagawad ng Kongreso.