Patay ang isang Chinese na kapitan ng isang Chinese vessel matapos atakihin sa puso habang nasa karagatang bahagi ng La Union kamakailan.

Sa report ng Philippine Coast Guard (PCG), kaagad silang nagsagawa ng medical evacuation sa nasabing kapitan ng Chinese-flagged bulk carrier na MV Guo Hai Lian 98 nitong Hulyo 23.

Ayon sa mga tripulante ng barko, nakitaan ng sintomas ng myocardial infarction o heart attack ang kanilang kapitan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Dead on arrival sa La Union Medical Diagnostic Center and Hospital, Inc. ang nasabing banyaga, ayon pa sa PCG.