Nilinaw ng GMA headwriter na si Suzette Doctolero na hindi naka-food stub ang sistema ng pagkuha ng pagkain sa naganap na GMA Gala 2023 noong Sabado, Hulyo 23, sa sa Manila Marriott Hotel sa Pasay City.
Sa isang tweet, sinalag ni Doctolero ang isang kumakalat na post na naispatan daw si Kapamilya star Joshua Garcia na kumukuha ng food stub.
Mababasa sa nabanggit na post na biro lamang iyon, subalit marami ang tila napaniwala at ginawa itong katatawanan.
Ayon kay Suzette, hindi food stub ang ibinibigay sa mga dumalo kundi table assignment.
"Walang food stub. Table assignment ticket yun. Para alam ng guest kung saan ang mesa niya."
"Libo po yata ang umattend kasi. The 5-course meal was served at the table," dagdag pa ng manunulat.
https://twitter.com/SuziDoctolero/status/1683340096718901248
Sa isang banat na parang wala raw ushers o nag-aassist sa kanila, sinagot din ito ni Doctolero.
"Pwede bang wala? Kaloka. Maraming ushers. Once nakuha na namin ang table assignment stub, papasok na kami sa loob (after red carpet) and then dadalhin kami ng ushers sa assigned table."
https://twitter.com/SuziDoctolero/status/1683382469679255552
Bukod kay Doctolero, maging si GMA news reporter Joseph Morong ay nag-tweet tungkol dito upang pabulaanan ang mga kumakalat na okray hinggil sa event.
"FACT: What meal stub? That’s for seat numbers for different departments LOL #GMAGala2023 #GmaGalaNight2023," tweet ng GMA news reporter.