Niyanig ng magnitude 6.0 na lindol ang Fiji Islands nitong Lunes, Hulyo 24, ayon sa United States Geological Survey (USGS).
Sa tala ng USGS, nangyari ang lindol sa timog na bahagi ng Fiji Islands bandang 2:49 (GMT).
Namataan ang epicenter nito sa 24.18 degrees south latitude at 178.76 degrees east longitude, na may lalim na 554.5 kilometro.
Wala pa naman umanong naiuulat hinggil sa pinsalang dulot ng nasabing pagyanig.