Mas lumakas pa ang bagyong Egay at isa na itong ganap na super typhoon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes ng umaga, Hulyo 25.
Sa tala ng PAGASA kaninang 8:00 ng umaga, huling namataan ang sentro ng super typhoon Egay 310 kilometro ang layo sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan, na may maximum sustained winds na umaabot sa 185 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong 230 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pa-northwestward sa bilis na 10 kilometers per hour.
Dahil sa naturang paglakas ng Super Typhoon Egay, itinaas na ng PAGASA sa Signal No. 3 ang mga sumusunod na lugar:
Luzon
- Babuyan Islands
- Hilaga at silangang bahagi ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Peñablanca, Gattaran, Lal-Lo, Alcala, Santa Teresita, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Ballesteros, Allacapan, Abulug, Claveria, Pamplona, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Lasam, Baggao, Amulung, Iguig)
- Hilagang-silangan ng Isabela (Divilacan, Maconacon, Palanan)
- Hilagang bahagi ng Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol)
Samantala, nakataas sa Signal No. 2 ang mga sumusunod na lugar:
Luzon
- Batanes
- Mga natitirang bahagi ng mainland Cagayan
- Mga natitirang bahagi ng Isabela
- Quirino
- Hilagang bahagi ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Diadi, Bagabag, Ambaguio, Villaverde, Solano, Bayombong)
- Mga natitirang bahagi ng Apayao
- Kalinga
- Abra
- Mountain Province
- Ifugao
- Hilagang bahagi ng Benguet (Bakun, Mankayan, Buguias, Kabayan, Kibungan)
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- Hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao)
Itinaas din sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar:
Luzon
- La Union
- Pangasinan
- Mga natitirang bahagi ng Benguet
- Mga natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya
- Mga natitirang bahagi ng Aurora
- Zambales
- Bataan
- Nueva Ecija
- Tarlac
- Pampanga
- Bulacan
- Metro Manila
- Rizal
- Laguna
- Cavite
- Batangas
- Quezon
- Marinduque
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Catanduanes
- Albay
- Sorsogon
- Burias Island
- Ticao Island
Visayas
- Northern Samar
Inaasahan naman umanong lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa darating na Huwebes ng umaga, Hulyo 27.