Tuguegarao City, Cagayan — Dahil sa hagupit ng Super Typhoon Egay, nagsagawa ng emergency road clearing operations ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Region II sa Peñablanca-Callao Cave Road.

Ang Peñablanca-Callao Cave Road, daan patungong Callao Caves, ay kadalasang naaapektuhan tuwing may bagyo.

Probinsya

Dahil sa 5.8-magnitude na lindol: Kalsada sa Liloan, Southern Leyte, nagkabitak-bitak!

Naka-deploy na ang mga tauhan at rescue team ng DPWH Region II sa mga apektadong lugar.

Hinihimok ang publiko na mag-ingat at manatiling nakasubaybay sa pinakabagong abiso sa panahon at kundisyon ng kalsada.

Sa tala ng PAGASA kaninang 8:00 ng gabi, huling namataan ang sentro ng Super Typhoon Egay 135 kilometro ang layo sa silangan hilagang-silangan ng Aparri, Cagayan, na may taglay na lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 230 kilometers per hour.

Itinaas sa Signal No. 4 ang Hilagang bahagi ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Buguey, Santa Teresita, Camalaniugan, Santa Praxedes) at Signal No. 3 naman ang mga natitirang bahagi ng Cagayan.

Maki-Balita: ‘Egay,’ napanatili ang lakas; Babuyan Islands, nakataas sa Signal No. 5