Nakataas na sa Signal No. 3 ang silangang bahagi ng mainland Cagayan at hilagang-silangan ng Isabela dahil sa bagyong Egay na patuloy pa ring lumalakas, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes ng gabi, Hulyo 24.

Sa tala ng PAGASA kaninang 11:00 ng gabi, huling namataan ang sentro ng typhoon Egay 425 kilometro ang layo sa silangan hilagang-silangan ng Baler, Aurora o 365 kilometro mula sa silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay umano ng bagyo ang maximum sustained winds na umaabot sa 165 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong 205 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo pa-north northwestward sa bilis na 15 kilometers per hour.

Eleksyon

JIL Church, nag-endorso ng 5 senatorial candidates

Dahil sa naturang paglakas ng typhoon Egay, itinaas na ng PAGASA sa Signal No. 3 ang mga sumusunod na lugar:

Luzon

  • Silangang bahagi ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Peñablanca, Baggao, Gattaran, Lal-Lo) 
  • Hilagang-silangan ng Isabela (Divilacan, Maconacon)

Samantala, nakataas sa Signal No. 2 ang mga sumusunod na lugar:

Luzon

  • Batanes
  • Babuyan Islands
  • Mga natitirang bahagi ng mainland Cagayan,
  • Mga natitirang bahagi ng Isabela
  • Quirino
  • Hilagang bahagi ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Diadi, Bagabag, Ambaguio, Villaverde, Solano, Bayombong)
  • Apayao
  • Kalinga
  • Abra
  • Mountain Province
  • Ifugao
  • Hilagang bahagi ng Benguet (Bakun, Mankayan, Buguias, Kabayan, Kibungan)
  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur
  • Hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao)

Itinaas din sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar: 

Luzon

  • La Union
  • Pangasinan
  • Mga natitirang bahagi ng Benguet
  • Mga natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya,
  • Mga natitirang bahagi ng Aurora
  • Zambales
  • Bataan
  • Nueva Ecija
  • Tarlac
  • Pampanga
  • Bulacan
  • Metro Manila
  • Rizal
  • Laguna
  • Cavite
  • Batangas
  • Quezon
  • Marinduque
  • Gitna at silangang bahagi ng Romblon (Banton, Corcuera, Romblon, Magdiwang, Cajidiocan, San Fernando)
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Catanduanes
  • Albay
  • Sorsogon
  • Masbate

Visayas

  • Northern Samar, 
  • Hilaga at gitnang bahagi ng Samar (Almagro, Tagapul-An, Santo Niño, Daram, Zumarraga, Villareal, Talalora, Hinabangan, Calbiga, Pinabacdao, Paranas, Motiong, San Sebastian, Jiabong, City of Catbalogan, San Jose de Buan, Matuguinao, San Jorge, Tarangnan, Gandara, Pagsanghan, Santa Margarita, Calbayog City)
  • Hilaga at gitnang bahagi ng Eastern Samar (City of Borongan, San Julian, Sulat, Taft, Can-Avid, Oras, Arteche, Jipapad, Dolores, San Policarpo, Maslog)
  • Biliran

Ayon pa sa PAGASA, maaaring patuloy na tumindi ang bagyong Egay at umabot sa kategoryang ‘super typhoon’ sa susunod na 24 oras.

Inaasahan naman umanong lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa darating na Miyerkules ng gabi, Hulyo 26, o Huwebes ng umaga, Hulyo 27.