ZAMBOANGA CITY — Nagbigay ng tulong pinansyal ang lokal na pamahalaan sa 1,581 Covid-19 survivors dito, Lunes, Hulyo 24.

Ang mga benepisyaryo ay nagtamaan ng Covid mula noong Enero hanggang Setyembre 2022. 

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sila ay mula sa Barangay Putik, Recodo, Rio Hondo, Salaan, Quiniput, San Jose Gusu, Cawa Cawa, Santa Barbara, Sinunuc, San Roque, Sinubong, Sibulao, at Santa Maria.

Nakatanggap ng P5,000 ang nagka-severe infection habang P3,000 ang natanggap ng mayroong moderate symptoms.

Nasa 6,000 Covid survivors ang inaasahang makikinabang sa naturang programa. 

Liza Jocson