Kabog at awrang-awra sa Facebook post ni Mark Joseph G. Tabalina ang beshies na sina Jeyana-jeyana 22, Sedusa 18 at Khyanna 20, sa kanilang “Barbie look” na kinuhaan sa loob ng dyip sa Iloilo City.

“These Barbies are commuters,” mababasang caption sa kaniyang naturang post.

Makikita sa larawang ini-upload ni Mark, ang tatlong beshies na nagmistulang mga barbie sa kanilang kasuotan at sinabayan pa ng kanilang mga tila manikang awrahan.

Hinangaan naman sila ng netizens na nagbigay-komento:

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Bongga mga Barbies ng jeep.”

“These Barbies are flying to Barbieland! GIVINGGGG.”

“Super slay.”

“Love this!”

“Slay mga ante!”

“Slayyyyyy.”

‘Slay kayo dyan mga nakshie.”

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Mark, ikinuwento niyang manonood silang magbi-beshies ng pelikulang “Barbie” kasama pa ang ibang Drag Queens sa nasabing lugar.

“The story behind this pic is they are supposed to watch a Barbie Movie at 5:30 pm with the Drag Queens here at Iloilo City,” aniya.

Hindi naman nila umano inakalang uulan nang malakas kaya’t sinubukan nilang magtaxi o umarkila ng isang sasakyan ngunit wala rin silang makuha.

Sa kabila nito, nagdesisyon na silang sumakay na lang sa pampasaherong dyip dahil mahuhuli na sila at doon na rin nakuhaan ng larawan ni Mark ang tatlong beshies sabay upload sa kaniyang account.

“They did not expect na uulan nang malakas. We called for a taxi and booked a Grab too but none of the two are available and since they are running late we decided to go for a jeepney na lang kahit umuulan. That's when I said na picturan ko sila then upload ko,” dagdag pa niya.

Masaya at hindi naman makapaniwala si Mark nang mapansin niyang nag-viral ang kaniyang post habang nanonood ng pelikula.

“We were overwhelmed and quite surprised at the same time. We noticed that the post was going viral while we were watching the Barbie movie. I was happy that it gained attention and most importantly shared the moment with my sisters,” kuwento ni Mark.

Samantala, ibinahagi rin ni Mark ang nararamdamang suporta raw ng publiko sa kanilang drag queens.

“For the longest time that the art of drag has been underground and now being mainstream in today's times, gaining attention and support from the public is such an amazing feeling not just for the drag queens but also the people that have witnessed and experienced the artform which is drag,” aniya.

“Especially here in Iloilo where the drag scene has blossomed, thanks to B Lifestyle Complex for giving local drag queens a platform to perform in and BRAG Home of Iloilo Drag for nurturing and giving the local drag scene a home and sisterhood,” huling pahayag ni Mark.

Habang sinusulat ang balitang ito, umabot na sa 18K reacts, 81 comments at mayroon namang bilang na 6.8K shares ang inabot ng kaniyang Facebook post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!