Ibinahagi ni Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos na ang kaniyang amang si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. mismo ang siyang nagsulat ng kaniyang State of the Nation Address (SONA) speech na ihahayag ngayong Lunes, Hulyo 24.

"It's no different than the first year, he wrote the speech, and then asked for people to look it over," ani Rep. Marcos nang tanungin ng mga mamamahayag sa Kamara ngayong tanghali, ilang oras bago ang SONA.

"It's always nice to have a fresh set of eyes after writing it and writing it again. So I think to begin with medyo mahaba, but he was able to shave it down a little bit,” dagdag pa niya.

Nang tanungin naman kung ano ang magiging highlights ng SONA speech, sinabi ni Rep. Marcos na ayaw niyang pangunahan ang Pangulo, ngunit magiging isang ulat umano ito hinggil sa mga nagawa ng pamahalaan noong nakaraang taon, at mga kinakailangan pang isakatuparan.

Mga labi ng dalawang nasawi sa aksidente sa NAIA, naiuwi na

"It will essentially be, like he said, a report to the people of what has been done in the last year and what problems we continue to face and what needs to be done," saad ni Rep. Marcos.

Nakatakdang maganap ang SONA ni Pangulong Marcos mamayang 4:00 ng hapon sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.