Magandang balita dahil tuluyan pang bumulusok sa 3.3% na lang ang weekly Covid-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR).

Sa datos na ibinahagi ni Dr. Guido David, ng OCTA Research Group, sa kanyang Twitter account, nabatid na ang positivity rate sa NCR ay bumaba pa sa 3.3% na lamang noong Hulyo 22, 2023, mula sa dating 4% noong Hulyo 15.

Bong Revilla, Jinggoy Estrada kumambiyo rin sa Adolescent Pregnancy Bill

Bukod sa NCR, nakapagtala na rin aniya ng low positivity rates ang ilang lalawigan sa Luzon, kabilang ang Batangas, Bulacan, Cavite, La Union, at Quezon.

Bahagya naman aniyang tumaas ang positivity rate sa Ilocos Norte na naging 21.4% mula sa dating 17% lamang sa nasabing mga petsa.

“7-day testing positivity rate in NCR decreased from 4% on July 15 to 3.3% on July 22 2023. Low positivity rates in NCR, Batangas, Bulacan, Cavite, La Union., Quezon. Ilocos Norte positivity rate increased slightly to 21.4% from 17%,” tweet pa ni David.

Ang positivity rate ay ang porsiyento ng mga taong nagpopositibo sa Covid-19 mula sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na isinailalim sa pagsusuri.

Nagtakda ang World Health Organization (WHO ng 5% na threshold para sa positivity rate.

Una na ring iniulat ni David na nasa 4.9% na lang ang nationwide positivity rate ng Pilipinas sa COVID-19, na pasok na rin sa naturang threshold ng WHO.