“State your plans for teachers, education sector.”

Ito ang mensahe ng Teachers' Dignity Coalition (TDC) kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ngayong Lunes, Hulyo 24.

Sa isang pahayag, sinabi ni TDC Chairperson Benjo Basas na nakaramdam umano ng “disappointment” ang mga guro sa unang SONA ni Marcos noong nakaraang taon.

"Last year his speech was generic, we have yet to see a plan, and we have also seen this in the performance of his government this past year in terms of education," paliwanag ni Basas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Iginiit niyang panandalian lamang nabanggit ang sektor ng edukasyon sa unang SONA ni Marcos at wala umanong konkretong hakbang para sa kapakanan ng mga guro o mag-aaral.

Ayon pa kay Basas, nagsalita ang pangulo tungkol sa ilang paksa, kabilang ang pagpapabuti ng training programs para sa mga guro, pagrepaso sa K–12 curriculum, pagtataguyod ng full face–to–face classes para sa school year 2022–2023, pagpapahusay ng mga materyales sa pagtuturo, at pagbibigay sa mga estudyante at paaralan ng access sa internet at electronic devices.

"Although the K-12 curriculum is currently being reviewed and physical classes were pushed through last year, the so-called internet and electronic devices for students remain nothing more than a dream; we continue to suffer from poor education materials in our public schools, and so-called teacher training still does not reach the grassroots," saad ni Basas.

Gayunpaman, kinilala umano ng grupo ang “daring acknowledgment” ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte sa Basic Education Report (BER) noong Enero na ang sektor ng edukasyon ay hinahamon ng maraming problema.

"A mere admission will not resolve our decades-long crisis. However, this may lead to a more realistic approach to fixing these recurring problems," ani Basas, habang binanggit ang ilang mga inisyatiba tulad ng “changes in curriculum, amendment of certain policies and responses in specific issues raised by the teachers.”

Ilan umano sa mga isyung nais marinig ng organisasyon mula sa SONA ng Pangulo ay ang mga sumusunod:

  1. Palakihin ang “entry-level pay” ng mga guro;
  2. Magbigay ng mga karagdagang benepisyo na kinabibilangan ng health services, free post graduate education at accessible housing;
  3. Palayain ang mga guro mula sa excessive clerical at administrative tasks;
  4. Mag-hire ng mas maraming guro at education personnel kabilang ang mga guidance counselor
  5. Ipatupad ang welfare provisions ng Magna Carta for Public School Teachers
  6. Repormahin ang GSIS o lumikha ng hiwalay na teacher insurance system.
  7. Maglaan ng pondo para sa mga kinakailangang gusali ng paaralan at iba pang pasilidad.

Inilista rin ng grupo ang ilan sa mga hinihingi nito, kabilang na umano ang pagsasama ng Philippine history bilang isang hiwalay na asignatura sa secondary curriculum, pagbabalik sa lumang kalendaryo ng paaralan kung saan ang summer break ay sa Abril at Mayo, ang pagpapabilis ng mga naantalang benepisyo sa pananalapi tulad ng performance-based bonus (PBB), ang pagpapatupad ng patas career progression policy, at ang pagpapanumbalik ng  two-month school break para sa mga guro at mga mag-aaral.

"The Marcos administration could think about better ways to respond to people's needs, as it promised during the election campaign period," saad ni Basas.