Maaaring hindi makadalo si dating First Lady Imelda Marcos sa State of the Nation Address (SONA) ng kaniyang anak na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong Lunes, Hulyo 24, ayon kay Senadora Imee Marcos.

Sa panayam ng mga mamamahayag, sinabi ni Senadora Marcos na nais dumalo ng kanilang inang si Imelda sa SONA ngunit pinagbabawalan na raw dahil sa usapin ng kaniyang kalusugan.

“Gustong pumunta, pero pinagbabawalan pa ng doktor kasi masyadong marami daw tao,” aniya.

Nang tanungin naman kung manonood na lamang ang dating first lady sa bahay, sinabi ni Senadora Marcos na hindi pa sigurado.

Mga labi ng dalawang nasawi sa aksidente sa NAIA, naiuwi na

“Ewan ko, last 2 minutes magde-decide ‘yun,” saad ng senadora.

Matatandaang sumailalim si Imelda, 94, sa angioplasty noong nakaraang Mayo 7.

Nakatakda namang maganap ang SONA ni Marcos mamayang 4:00 ng hapon sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.