Kinaaliwan ng netizens ang Facebook post ni Belle Belarmino, matapos ibahagi ang larawang kuha na dumedede sa kanilang aso ang mga alagang pusa.

“Wala namang gatas ‘yang aso namin, ginagawa lang nilang pacifier,” mababasang caption sa kaniyang naturang post.

Makikita sa larawang ini-upload ni Belle, ang dalawang pusa na ganadong-ganado sa pag-breasfeed sa alaga rin nilang aso at feel na feel din nito ang kaniyang tila pagiging ina.

Nakatutuwang komento naman ng netizens ang mababasa sa comment section.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Cuteness overload!”

“Uy muning mahiya naman kayo ang lalaki niyo na.”

“Very cute. Sobrang bait din ni dogdog na falsifier siya nila Cat. May asong ganoon talaga.”

“Same ng dog namin si Loki, kahit male feel niya mama siya ni Shrimpy boy ‘yon kitten. Kahit sugat-sugat na siya kaka dede ni Shrimp dedma lang.”

“Yung pusa nga namin, ginagawang pacifier sarili niyang dede.”

“Ang lulusog ng mga pusa eh.”

“Ang kulit!”

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Belle, ibinahagi niya ang pangalan ng mga bidang alaga sa kaniyang naturang post.

“Si Luna po ‘yong Labrador (aso), si Hansel po ‘yong itim na pusa at si Gretel naman po ‘yong puting pusa,” aniya.

Ayon pa sa uploader, hindi na bago at pangkaraniwan na sa kaniya ang pangyayaring iyon dahil simula noong tatlong buwan pa lang daw ang mga pusa ay sa asong si Luna na sila dumedede.

“Common na ‘yon sa akin, ever since kasi na inadopt namin sila at 3 months, kay Luna na sila dumedede,” aniya.

Hindi pa rin daw nabubuntis ang asong si Luna, ngunit sa kabila nito ay feel na feel pa rin niya ang pagpapadede kahit wala itong umanong inilalabas na gatas.

“Never pa nabuntis si Luna, kaya wala talaga siyang gatas. Pero feel na feel niya pa rin inurse (pagpapadede) ‘yong cats,” dagdag pa niya.

Dagdag pang kuwento ni Belle sa Balita, aliw na aliw siyang panoorin ang mga alaga dahil magkakaayos daw silang lahat sa kanilang bahay at hindi ‘yong nakasanayan ng tao na laging nag-aaway ang aso’t pusa.

“Nakakatuwa silang panoorin, kasi syempre misconception ng mga tao pag dogs and cats laging nag-aaway. Pero super close silang lahat sa bahay, huling pahayag ni Belle.

Samantala, habang sinusulat ang balitang ito, umabot na sa halos 5.4K reacts, 142 comments at 255 na shares ang nakuha ng naturang post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!