Ipinahayag ni House Secretary General Reginald Velasco nitong Sabado, Hulyo 22, na mananatili ang “hybrid” o pinagsamang virtual at face-to-face set-up sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Lunes, Hulyo 24.

Ito ay sa kabila ng inilabas na Proclamation No. 297 nitong Sabado na nag-aalis ng State of Public Health Emergency sa buong Pilipinas na dulot ng Covid-19.

MAKI-BALITA: PBBM, inalis na ang Covid-19 public health emergency sa ‘Pinas

Samantala, sinabi rin naman ni Velasco na wala pang inilalabas na desisyon hinggil sa kung aalisin na ang hybrid set-up sa mga magiging sesyon sa Kamara.

Eleksyon

JIL Church, nag-endorso ng 5 senatorial candidates

Nakatakdang magsagawa ang mga kinatawan sa Kamara at mga senador ng joint session sa Lunes, dakong 10:00 ng umaga, sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.

Ang naturang pagpupulong ay upang pormal na buksan ang ikalawang regular na sesyon ng 19th Congress matapos ang dalawang buwang recess nito.

Pagkatapos nito, magaganap na sa kaparehong joint session ang SONA ni Marcos sa dakong 4:00 ng hapon.

MAKI-BALITA: Ulat sa Bayan: Bakit nga ba may SONA bawat taon?