Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang isang 65-anyos na lalaki matapos mahulihan ng mga baril sa ikinasang pagsalakay sa Sto. Tomas City, Batangas kamakailan.

Ang suspek ay kinilala ni Batangas Police Provincial Office chief, Col. Samson Belmonte na si Danilo Garcia, taga-naturang lugar.

Inihain ng mga tauhan ng Sto. Tomas City Police Station ang search warrant sa bahay ni Garcia sa Brgy. San Joaquin, Sto Tomas City, Batangas nitong Hulyo 21, 2023, dakong 8:30 ng gabi.

Nasamsam kay Garcia ang iba’t ibang uri ng armas na kinabibilangan ng isang homemade rifle, isang cal. 22, isang shotgun, isang caliber .22, isang caliber .45, isang caliber .38, at iba pang armas.

Bukod dito, nahulihan din si Garcia ng iba't ibang bala ng baril at magazine.

Nakatakdang sampahan ng patung-patong na kaso si Garcia.