Tila may pasaring na reaksiyon ang drag queen na si "Lady Gagita" sa napabalitang idineklarang "persona non grata" sa General Santos City ang kapwa drag queen na si "Pura Luka Vega" matapos maging kontrobersyal ang kaniyang drag art performance kay Hesukristo at paggamit sa "Ama Namin" remix.
Ayon sa ulat, idineklarang persona non grata ng city council of General Santos City si Vega batay na rin sa inihaing resolusyon hinggil dito.
"While the city council recognized the freedom of speech and expression, and freedom to travel of the performer, the resolution was meant to show the feelings and sentiments of the largely Christian population of the city," mababasa umano sa pahayag ng city council noong Hulyo 18, 2023.
Matatandaang sinabi ni Pura sa isang panayam na walang masama sa kaniyang ginawa, at kung may "nabastos" man siya ay humihingi siya ng tawad.
Sey naman ni Lady Gagita sa kaniyang Facebook post kalakip ang isang ulat ng pahayagan, "Ano naman gagawin ni Luka d'yan sa (GenSan) hahaha."
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Vega hinggil sa isyu.