Ipinagmalaki ni "Face 2 Face" host Karla Estrada ang pagtatapos niya ng pag-aaral sa kolehiyo, sa kursong Bachelor of Science in Office Administration sa Philippine Christian University.

Sa kaniyang Instagram post nitong Sabado, Hulyo 22, ibinida ni Karla ang kaniyang mga litrato habang nakasuot ng graduation cap at gown.

"Develop a passion in Learning, you will never cease to grow," bahagi ng kaniyang caption.

"Thank you ETEEAP (Expanded Tertiary Equivalency and Accreditation Program. Sa napakagandang pagkakataon na ito na maisakatuparan ang pangarap ng katulad ko at ng nakararami na makapagtapos ng kolehiyo!"

'Education has no borders!' Karla, balik-eskuwela, pabirong hinanap ang canteen

"Congratulations sa lahat ng aking mga nakasabayan sa pagtatapos sa kursong Bachelor of Science in Office Administration," dagdag pa ni Karla, na pagbati niya sa mga katulad niyang nakatapos na rin sa nabanggit na kurso.

Matatandaang noong Setyembre 2022, ibinahagi ni Karla ang kaniyang pagbabalik-eskuwela.

Marami naman sa mga kapwa celebrity ang nagpaabot ng pagbati sa kaniya kagaya na lamang nina Aiko Melendez, Vina Morales, Amy Perez, Cristina Gonzalez, Jackie Forster, at Jhong Hilario.

Matatandaang si Jhong ay nakapagtapos na rin ng kaniyang pag-aaral sa kolehiyo bilang magna cum laude sa kursong AB Political Science sa Arellano University.

https://balita.net.ph/2023/06/15/jhong-hilario-nagtapos-ng-kolehiyo-bilang-magna-cum-laude/