“I never imagined reaching this point. But here I stand. 👩🎓🏋️♀️”
Isa na namang milestone ang nakamit ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo matapos niyang maka-graduate ng kolehiyo sa De La Salle - College of St. Benilde.
Sa kaniyang Instagram post nitong Sabado, Hulyo 22, nagbahagi ang 32-anyos na Olympian ng ilang mga larawan ng kaniyang pagtatapos ng kolehiyo, kung saan makikitang nakasuot siya ng itim na toga.
“Nakakaiyak din pala,” ani Diaz, na grumaduate ng kursong Business Administration Major in Management.
“Not an ordinary day. Inabot din ng 16 years, nagshift ng courses, nagtransfer ng school, nagLOA dahil ang hirap pagsabayin ang pagwe-weightlifting at pag-aaral,” dagdag niya.
Ayon kay Diaz, hindi niya akalaing makakaya niyang pagsabayin ang pag-aaral at pagsasanay para sa Olympics.
“Dreaming of graduating from college and earning a degree while preparing for the Olympics. Hindi ko akalain na magagawa ko, after sleepless nights and tiring days from training while attending school at De La Salle - College of St. Benilde. Posible pala,” anang Olympic gold medalist.
“Kung nakaya ko, kaya ng mga student-athletes, at mga bata at sa lahat na gusto makapagtapos, age doesn’t matter, mahirap pero super worth it,” saad pa niya.
Matatandaang nasungkit ni Diaz ang kauna-unahang Olympic gold para sa Pilipinas noong 2019.