Sa kabuuan ay masasabi raw na naging matagumpay ang pangalawang taon ng "GMA Gala 2023" na ginanap nitong Hulyo 22, 2023 ng gabi sa Manila Marriott Hotel sa Pasay City.

In fairness, bukod sa Kapuso stars, mas inabangan ng mga netizen ang pagdating ng ABS-CBN stars na imbitado sa nabanggit na event, kung pagbabatayan ang comment section sa live streaming sa kani-kanilang social media platforms.

Expected na dadalo ang "It's Showtime" hosts na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, at Anne Curtis na nasa bandang dulo na ng pagrampa sa red carpet at kaunting interview dumating.

Masayang-masaya ang Showtime hosts sa kakaibang experience na kanilang naranasan. Naging posible ang lahat dahil sa pag-ere ng noontime show sa "GTV," ang sister channel ng GMA Network.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ito na raw ang pagkakataon upang muling makahalubilo ng Kapamilya stars ang ilang mga dating kasamahang matagal nang hindi nakikita at nakakausap, dahil nga nagsilipatan na.

Hindi pa sigurado kung nakausap nila ang dating co-host na si Kuya Kim Atienza. Hindi naman naispatan sa event si Billy Crawford.

Dumating din sa nabanggit na pagtitipon ang ilang cast members na kabilang sa "Unbreak My Heart" gaya nina Joshua Garcia, Bianca De Vera, at Eula Valdez, at Nikki Valdez.

Dumating din in yellow gown ang dating ABS-CBN news anchor na si Ces Oreña-Drilon.

Pero ang mas nakamamangha ay ang pagdating ng mismong ABS-CBN executives na sina ABS-CBN President Carlo Katigbak at Chief Operating Officer for Broadcast Cory Vidanes.