Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang probinsya ng Eastern Samar nitong Linggo ng madaling araw, Hulyo 23, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 12:28 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 14 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Llorente, Eastern Samar, na may lalim na 29 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa Balangkayan at City of Borongan, Eastern Samar, habang Intensity III sa Hernani at Maydolong, Eastern Samar.

Samantala, naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Internasyonal

Higit 300 kabataan, nagka-HIV dahil umano sa 'reused syringes'

Intensity IV- City of Borongan, Eastern Samar

Intensity III- Dulag, Leyte

Intensity II- Marabut at Basey, Samar; Quinapondan, Eastern Samar 

Intensity I- Palo, Calubian, at Alangalang, Leyte

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.