Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Linggo ng hapon, Hulyo 23, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 2:02 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 354 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 30 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.