Itinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Signal No. 1 ang pitong lalawigan ng bansa nitong Linggo ng hapon, Hulyo 23, dahil sa bagyong Egay.

Sa ulat ng PAGASA kaninang 5:00 ng hapon, namataan ang sentro ng Severe Tropical Storm Egay 560 kilometro ang layo sa silangan ng Daet, Camarines Norte, taglay ang maximum sustained winds umaabot sa 110 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong 135 kilometers per hour.

Kasalukuyan itong gumagalaw pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.

Itinaas sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar:

Eleksyon

JIL Church, nag-endorso ng 5 senatorial candidates

  • Catanduanes
  • Silangang bahagi ng Camarines Sur (Garchitorena, Caramoan, Presentacion)
  • Hilagang bahagi ng Aurora (Casiguran, Dilasag) 
  • Silangang bahagi ng Isabela (Dinapigue, Divilacan, Maconacon, Palanan, Ilagan City, San Mariano, Tumauini, San Pablo, Cabagan) 
  • Silangang bahagi ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca)
  • Hilagang bahagi ng Eastern Samar (San Policarpo, Oras, Arteche, Jipapad) 
  • Silangang bahagi ng Northern Samar (Lapinig, Gamay, Mapanas, Palapag, Laoang, Catubig, Pambujan)

Inaasahan naman umanong aabot pa ang bagyo sa typhoon category sa loob ng 24 na oras at maaaring maging isang super typhoon pagsapit ng Martes, Hulyo 25.