Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Isang cargo vessel ang sumadsad sa karagatang sakop ng Cabadbaran City, Agusan del Norte nitong Linggo dulot ng bagyong Egay at nailigtas ang 24 na tripulante nito.

Binanggit ng Philippine Coast Guard (PCG), tinugunan nila kaagad ang insidente ng pagsadsad ng LCT Pacifica 2 sa karagatang bahagi ng Barangay Cabinet nitong Hulyo 23.

Dahil sa insidente, inabandona ng kapitan at mga tripulante ang naturang barko.

Sa paunang imbestigasyon ng Coast Guard, ang naturang barko ay hinampas ng malakas na hangin at malalaking alon bunsod ng bagyo na nagdulot ng insidente.

Habang isinulat ang balitang ito, binababantayan pa rin ng PCG-Marine Environmental Protection Group ang bisinidad ng pinangyarihan ng insidente sa posibleng bakas ng oil spill.