Dalawang miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa pulisya sa Surigao del Sur kamakailan.

Sa pahayag ng Surigao del Sur Police Provincial Office (SDSPPO), ang dalawang rebelde na kapwa miyembro ng NPA-Guerrilla Front Committee 14 ng North Eastern Mindanao Regional Committee, ay sumurender sa kanila nitong Sabado, Hulyo 22 ng hapon.

Dalawa ring 5.56 caliber M4A1 rifles ang isinuko ng dalawang rebelde.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

"The two communist terrorist group members also presented themselves to Surigao del Sur Gov. Alexander Pimentel during their surrender,” sabi naman ni SDSPPO director Col. Harry Domingo.

Ipinasyang tumiwalag ng dalawang rebelde sa kanilang kilusan dahil sa matinding pagod at gutom habang sila ay nagtatago sa kabundukan, ayon kay Domingo.

Nakatakdang tumanggap ng livelihood assistance ang dalawang rebelde alinsunod na rin sa programa ng pamahalaan, ayon pa sa militar.