Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 11 na pasahero ng bangkang de-motor na lumubog sa karagatang bahagi ng Surigao City, Surigao del Norte nitong Sabado.

Sa report ng Coast Guard District Northeastern Mindanao, patungo na sana sa Surigao City ang MBCA Justin mula sa isang floating resort sa Day-asan, sakay ng mga nasabing pasahero nang sumadsad sa Buntog Bato, Day-asan, dakong 3:30 ng hapon.

Dahil dito, pumalya na ang makina ng bangka hanggang sa tuluyan na itong lumubog.

Matapos matanggap ang impormasyon, kaagad na nagresponde ang mga tauhan search and rescue team ng Coast Guard at nailigtas ang mga pasahero.

Ang mga pasahero ay dinala sa Coast Guard Special Operations Unit Boathouse upang isailalim sa pagsusuri.