Itinalaga si Fr. Andres Ligot, mula sa Laoag City, Ilocos Norte, bilang vicar general at chancellor ng Diocese of San Jose sa California.
Ayon sa CBCP, si Fr. Ligot na ang magiging kanang kamay ni Bishop Oscar Cantu ng Diocese of San Jose.
Ang bawat diyosesis umano sa buong Simbahang Katoliko ay kinakailangang magkaroon ng hindi bababa sa isang vicar general, na siyang "high-ranking" official sa diocesan governance pagkatapos ng obispo.
Pagdating naman sa kaniyang buhay, inihayag ng CBCP na si Fr. Ligot ang pamangkin ng yumaong Bishop Victorino Ligot ng San Fernando de La Union.
Nagtungo umano si Fr. Ligot sa Diocese of San Jose noong 1999 matapos niyang makuha ang kaniyang Doctorate in Canon Law sa University of Navarre sa Pamplona, Spain, ang unibersidad kung saan din niya natapos ang kaniyang Bachelor of Sacred Theology at Licentiate sa Canon Law.
Inordinahan siya ni St. Pope John Paul II bilang pari para sa Diocese of Laoag sa St. Peter’s Basilica sa Vatican noong Hunyo 1992.
Sinimulan umano si Fr. Ligot ang kaniyang ministry sa diocese’s tribunal sa San Jose, una bilang "defender of the bond” at kalaunan ay bilang isang hukom.
Taong 2005 naman nang ginawa siyang pastor ng Saint Lawrence the Martyr Parish sa Santa Clara, isang lungsod malapit sa San Jose.
Hinirang din umano siyang Judicial Vicar noong 2008, kung saan kalaunan ay nagtrabaho siya nang full time sa tribunal.