Inalis na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang State of Public Health Emergency sa buong Pilipinas na dulot ng Covid-19.

Ang naturang pagpapawalang-bisa ng Covid-19 public health emergency ay alinsunod sa Proclamation No. 297 ng Pangulo na inilabas nitong Sabado, Hulyo 22, 2023.

Ayon kay Marcos, ipinatupad ang muling pagbubukas ng international borders at pagluwag ng health at safety protocol requirements dahil sa patuloy na pagbabakuna at pagbaba ng bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa.

Gayunpaman, mananatili pa rin umano ang bisa ng lahat ng emergency use authorization (EUA) para sa Covid-19 vaccines na inisyu ng Food and Drug Administration (FDA) sa loob ng isang taon.

Eleksyon

Vice Ganda, inendorso na si Kiko Pangilinan

"All agencies are enjoined to ensure that their policies, rules, and regulations shall take into consideration the lifting of the State of Public Health Emergency and to amend existing or promulgate new issuances, as may be appropriate,” nakasaad din sa proklamasyon.

Matatandaang nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 922 na nagdedeklara ng State of Public Health Emergency sa buong bansa dahil sa Covid-19 noong Marso 2020.