Nasa 262,507 na tsuper at operator ng mga public utility vehicle (PUV) ang nakinabang sa Pantawid Pasada Program (PPP) o Fuel Subsidy Program (FSP) ng pamahalaan.

Ito ang isinapubliko ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at sinabing kabilang sa mga benepisyaryo ay drayber at operator ng jeep, taxi, UV Express, bus, at shuttle service.

Ang mga ito ay tumanggap ng tig-₱6,500 na subsidiya sa pamamagitan ng PPP cash card o e-wallet.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ang Pantawid Pasada ay programa ng Department of Transportation (DOTr) at katuwang naman nito sa pagpapatupad nito ang LTFRB at Land Bank of the Philippines.

Layunin ng programa na matulungan ang sektor ng pampublikong transportasyon dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.