“Sinagip at inalagaan, tapos paglaki madamot sa kiss?”
Maraming netizens ang natuwa at na-kyutan sa Facebook post ni Christine Requeza mula sa Libon, Albay, hinggil sa inarugang pusa na ngayo'y hindi man lang daw malambing.
Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Christine, apat na taon na ang nakaraan nang matagpuan nila sa tapat ng isang construction site sa karatig bayang Polangui, Albay ang pusa na pinangalanan na nilang Coco at apat na taong gulang na ngayon.
“Four years ago, we found Coco in front of a construction site in Polangui, Albay,” aniya.
Nasa masamang lagay raw noon si Coco kaya’t nagdesisyon silang i-uwi na lang sa kanilang bahay at pina-check-up din nila sa isang veterinarian.
“He looked bad that day. He was crawling helplessly because of his back leg injury and his eyes were closed because of muta. He was trying to survive, and we cannot just leave him there. We brought him home, bathed him, gave him food and we took him to the vet,” dagdag pa niya.
Ayon pa kay Christine, nagpapasalamat siya dahil may kakayahan silang ibigay kay Coco ang bago niyang tahanan na tinawag niyang “forever home.”
“I feel grateful to have had the opportunity to give him a forever home. He made me a better person. Coco is a brave, healthy and handsome cat. We love him so much,” ani Christine.
Sa kabila nito, tila ibang ganti naman daw ang ipinakikita ni Coco ngayon sa kanila dahil ayaw man lang niyang magpalambing at magpahalik.
“Ayaw niya magpalambing at magpahalik. Nagagalit, aba minsan may libreng mga kalmot pa,” kuwento ni Christine.
Relate much naman ang netizens na nagbigay-komento:
“Ganyan din alaga ko ayaw mag pakiss at mag pabuhat. Ang damot talaga.”
“Same with my georgia pagkatapos namin ampunin, napaka-attitude na ngayon.”
“Wala kang utang na loob ming.”
“Puro hingi lang puds pero no kiss.”
“Totoo, nanapak pa pag kiniss.”
“Trueee halos binigay mo na lahat tapos ayaw pa-kiss nangangalmot!"
Samantala, may iniwan namang mensahe si Christine at sana raw ay makapagbigay-inspirasyon ang kaniyang naging karanasan.
“In a world where countless stray animals are in need of care and affection, I hope my experiences inspire others to consider adopting and giving a deserving animal a chance for a better life,” huling pahayag ni Christine.
-----
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!