Inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Huwebes, Hulyo 20, ang mga detalye para sa isasagawang face-to-face mass oathtaking ng mga bagong registered electrical engineer at registered master electrician ng Pilipinas.

Ayon sa PRC, magaganap ang naturang in-person oathtaking sa Agosto 5, 2023, dakong 1:00 hanggang 5:00 ng hapon, sa Grand Men Seng Hotel, Davao City.

Sinabi rin Komisyon na lahat ng bagong registered electrical engineers at registerted master electricians na interesadong dumalo sa face-to-face mass oathtaking ay kinakailangang magparehistro sa o bago mag-12:00 ng tanghali bago ang araw ng oathtaking sa http://online.prc.gov.ph para kumpirmahin ang kanilang pagdalo.

“Inductees are required to PRINT the Oath Form with the generated QR code which will be submitted during the oathtaking in order to be tagged as ‘attended’,” saad nito.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Inabisuhin din ng PRC ang mga lalahok sa in-person oathtaking na dalhin ang kanilang Vaccination Card o ang kanilang Negative RT-PCR/COVID-19 anti-gen swab results na kinuha sa loob ng 48 oras bago ang oathtaking.

“It is advised that inductees register and confirm their attendance in the regions where they took their licensure examination and intend to register as professionals,” dagdag pa ng PRC.

Para naman sa mga hindi makakadalo sa face-to-face mass oathtaking, maaari pa rin umano silang dumalo sa online oathtaking o humiling ng isang special oathtaking.

"After the oathtaking, inductees shall proceed with their Initial Registration by securing an online appointment at http://online.prc.gov.ph," saad ng PRC.