Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang probinsya ng Davao Oriental nitong Sabado ng madaling araw, Hulyo 22, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 3:24 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 45 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Tarragona, Davao Oriental, na may lalim na 18 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Padilla, pinapaawat muna pasiklaban ng mga pahayag sa pagpanaw ni Cabral

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.